Friday, April 3, 2009

Pinoy Movie Common Scenes

Ang Pinoy may Originality, Pag gumawa ng pelikula orig na orig... yan ay kung ikukumpara mo sa pelikula ng ibang bansa... pero dito parang pre-made na ang susunod na mga eksena...

Alam nyo ba ang ibig kong sabihin?

Narito ang mga madalas nyong makita na eksena sa mga pinoy movies na talaga namang nakakatuwa;

Kung COMEDY:
  • Kahit na tatanga-tanga ang bida, palaging may side-kick na worse syempre.
  • Halimbawa may na-kidnap, laging sa lumang bodega ang scene, tapos ang babae may dalang pamalo, kung may baril naman, pipikit muna bago iputok ang baril.
  • Hindi nawawala ang pinopompyang ang kalaban, tapos maduduling at matutumba ito.
  • Pag nasa beach kunwari magpapalunod ang lalake o babae depende kung sino ang di kanais-nais, para sagipin siya ng leading lady/leading man na pagkaganda-ganda /pagkagwapo-gwapo.
  • Ang ending, sasayaw sa beach na may mga palm trees (e.g., buko) at may kantahan pa, may mga back-up dancers na hindi naman talagang kasama sa eksena pero sasabay sa choreography kasama ng mga bida.
  • Asahan nyo na kung may unano tapos may isa, na pang higante ang height, palaging mas boss ang unano.
  • Binibigyan ng chance ang hindi naman kagwapuhan sa movie screen or ang di naman kagandahan para maging bida.
  • Ang karibal ng bida mas gwapo at mayaman, ang bida kung hindi matanda na, pwedeng hindi naman gwapo pero maganda ang puso.
  • Pwede kahit snatcher ang bida.
Kung ACTION:
  • Hindi lang sa hindi nauubusan ng bala ang bida, magpapatay-patayan pa at isusurprise ang kanyang leading lady para meron muna siyang kiss...
  • Hindi pwede mamatay ang bida.
  • Parang sa kanta, para malaman ang Title, kuhain nyo lang sa lyrics or sa Script, sigurado isisigaw ng bida yun.
  • Sa action pa, mapansin mo na kung may papasabugin sila, kadalasan, sa palengke ang scene tapos mga Palamig or Samalamig ang tatamaan or kaya mga pakwan, tapos ang higit na kapansin pansin, ang pinapasabog lang yung mga lumang kotse or lumang building.
  • Kung nahulog naman ang kotse sa bangin or nagpagulong gulong, hanapin mo yung tao sa loob ng kotse siguradong wala na yun!!!
  • Kahit na anong pelikula, basta may kasamang bata or Matanda, nahahaluan ng drama.
  • Sa action dapat gwapo at macho ang bida, hmmm... ingat baka may magladlad din tulad ni BB Gandang Hari...
  • Mas gwapo ang bida kesa sa kontrabidang makapal ang bigote na may mga goons.
  • Palaging inutil ang mga goons
  • Palaging huli ang dating ng mga pulis.
Sa DRAMA:
  • Palaging maghihiganti ang bida.
  • Palaging naiinlove ang amo sa katulong.
  • Kung bida ang katulong, syempre mas maganda kesa sa magiging ex-girlfriend ng amo para sa huli sila ang magkatuluyan.
  • Hardworking ang bida. Pero in return, iisipan pa siya ang masama.
  • Mag-aaway muna ang magkaribal, bandang huli magkapatid pala sila.
  • Kung bata ang bida, mamatay ang mga magulang niya para mas mukhang kaawa awa, or kaya lalaki muna siya sa bahay ampunan.
  • Kung hindi mamatay ang kontrabida, mamamatay ito or makukulong pwede rin magkakasakit ng malubha.
Continue Reading...
 

Philippine Movies Copyright © 2009 WoodMag is Modified by Regal Web Services for Free Blogger Template